• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ene 2, 2025

Gusto mo bang mapabuti ang iyong buhay espiritwal?🙏

Publication date Ene 2, 2025

Alam mo ba ang buhay espiritwal natin ay parang may sariling buhay din? Noong medyo bata pa ako sa pagiging Kristiyano, may sinabi ang isang iginagalang na guro ng Bibliya na ang buhay espiritwal daw ay parang nakasakay ka sa isang sasakyang paakyat ng bundok. Kung hindi ka umaakyat ay siguradong umaatras ka; walang “neutral.” Doon ko nakita ang kahalagahan ng pagiging intensyonal sa paglago ng espiritwal na buhay. 

Ang mabuting balita ay, gusto rin ni God na lumago tayo sa espiritwal na buhay natin. At ngayong bagong taon, tamang-tama na magtakda tayo ng mga layunin para mapabuti ang buhay espiritwal natin. 

Tingnan natin ang nakasulat sa 2 Peter 3:18 ASND

Sa halip, lumago kayo sa biyaya ng Dios at sa pagkakakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Purihin siya ngayon at magpakailanman! Amen.

Isa palang paraan upang lumago sa ating buhay espiritwal ay ang pagiging intensyonal sa pagkilala sa Kanya. At maraming paraan upang magawa natin ito. Maaaring mangyari ang paglago sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya o mga aklat na nagpapakita ng karakter ng Panginoon; maaari din itong mangyari sa pagkilala sa Kanya sa pamamagitan ng mga nilikha; at maari din itong mangyari sa pagmamasid natin sa mga gawa ng Diyos sa buhay ng mga tao. 

Ikaw ba, Kaibigan, gusto mo rin bang umunlad sa pananampalataya? Kung kasama ito sa mga gusto mong mangyari ngayong 2025, pwede mong isulat ang mga hangarin mo para sa buhay espiritwal mo. Baka gusto mong maglaan ng oras araw-araw kung saan makausap mo si Jesus. Pwede kang magsimula ng 10-15 minuto lang araw-araw. O baka gusto mong magsimula na magbasa ng Bibliya, kahit 10 minuto lang din o di kaya 1 kapitulo bawat araw. Magagandang hangarin na ang mga ito! 

Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Mark Cabag
Author

Advocate for fostering and adoption who loves both the mountains and city life!