• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 30, 2024

Gumagawa ka ba ng mga resolusyon para sa Bagong Taon? 🗒️

Publication date Dis 30, 2024

Yehey! Malapit nang matapos ang 2024! Ilang tulog na lang, 2025 na! Oras na naman upang pag-usapan natin: naniniwala ka ba sa paggawa ng resolusyon sa Bagong Taon? 

Noong bata ako, ang mga “resolusyon sa bagong taon” ko ay ang pagbawas ng timbang, mabawasan ang pagiging mainitin ang ulo, maging mas mabait sa aking mga magulang, etc etc. Ikaw, ano ba ang mga nagawa mong resolusyon para sa Bagong Taon sa mga nagdaang taon? May natupad ba? 

Noong lumaki na ako, nakita kong maganda naman ang ideya ng may mga gustong baguhin, pero kailangang makumbinsi ako sa halaga nito at hindi lang dahil uso ang maglista ng kung anu-ano kapag bagong taon. Dahil dito, may ginagawa kami bilang pamilya tuwing katapusan ng taon: nagsasama-sama kami para pag-usapan ang mga pagpapahalaga at layunin namin bilang indibidwal o bilang pamilya. 

Sabi daw sa Bibliya, kapag walang gabay ang isang tao ay mapapahamak ito. (Proverbs 29:18 KJV). 

Pero paano ba tayo magkakagabay sa buhay natin? May magandang pagsasanay kaming nakuha sa isang guro ng Bibliya na gusto naming ibahagi isa iyo. Gusto mo rin bang subukan ito, Kaibigan? Kumuha ka ng notebook. Pagkatapos, sagutan ang mga tanong na ito: 

  1. Ano ba ang gusto kong sabihin tungkol sa akin ng asawa ko (o ng magiging asawa ko) sa pagtatapos ng aking buhay?

  2. Ano ba ang gusto kong sabihin ng mga anak ko (o ng mga magiging anak ko) sa pagtatapos ng aking buhay?

  3. Ano ba ang gusto kong sabihin ni Jesus sa akin sa pagtatapos ng aking buhay??

Kakaiba bang isipin ang ganito? Sa totoo lang, ito daw ang isang paraan upang mapaisip tayo ng ano talaga ang importante sa atin. Dito nagsisimula ang pagdedesisyon natin ng mga layunin na mahalaga sa atin.

Nasasabik kami para sa iyo sa bagong taon, Kaibigan! Isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.