Bakit ba pinagpapala tayo ng Panginoon? 🎁

May listahan ka ba ng mga dahilan kung bakit pinagpapala ka ng Diyos? Halimbawa, kung bakit ka may mga biyaya sa pananalapi? Baka iniisip mo, “Siguro dahil nagsimba ako nung isang Linggo," o kaya, "siguro dahil tama yung paniniwala ko o doktrina ko tungkol sa Diyos.” O kaya naman yung mas mahinahon, pero mas desperadong dahilan, "bibigyan Niya ako kasi sinabi ko sa mga kaibigan ko na tutulungan Niya ako, kaya’t nakataya ang Kanyang pangalan!”
Pero alam mo ba kung anong gustong iparating sa atin ng Panginoon? May isang napakasimpleng dahilan kung bakit Niya ginagawa ang mga bagay para sa atin.
Kasi… mahal ka Niya! Alam mo, minsan parang simple lang yung dahilan na ito, pero yun ang katotohanan. Ang dahilan kung bakit ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak para mamatay sa iyong lugar, para magsaya ka sa mga pagpapala, kundi dahil… mahal ka Niya!
Alam mo ba na masaya ang Panginoon na magbigay ng mabuti sa atin? Tignan mo ang Jeremias 32:41 ASND: “Kagalakan ko ang gawan sila ng mabuti.”
Sa Awit ni Solomon 2:4, sinabi na, “Dinala niya ako sa isang handaan para ipakita sa lahat na ako ay kanyang minamahal.”
Lahat ng paraan ng Panginoon patungo sa’yo ay punong-puno ng pagmamahal, Kaibigan. Kasi Siya ang Pag-ibig, at ikaw ang Kanyang minamahal.
Kaibigan, mag-journal ka ngayon kahit dalawang minuto lang. I-lista mo ang tatlong bagay na nangyari sa buhay mo ngayong linggo na nagpapakita ng pagmamahal ng Panginoon sa iyo. Tanggapin mo ito, tamasahin mo ito.
Kaibigan, isa kang himala!

