• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UR Urdu
Publication date Nob 1, 2024

Anong takot ba ang mayroon ka ngayon?

Publication date Nob 1, 2024

Kapag narinig mo ang salitang “takot,” anong mga bagay ang pumapasok sa isip mo? May takot ka ba sa hinaharap? Sa kakulangan ng mapagkukunan?  Takot na hindi ka sapat para sa isang bagay o para sa isang tao. Noong epidemya, marami sa atin ang naging matatakutin na magkasakit, o ang mga mahal natin ang magkasakit at maging sanhi ito ng kamatayan. Ngayong tapos na ang epidemya, pwedeng ibang bagay naman ang nagiging dahilan ng takot sa isip natin.

Hindi madaling mapaglabanan ang takot.. At mahirap siya dahil pwede siyang maging sanhi ng pakiramdam na nag-iisa ka, na parang walang kakampi. 

Kaibigan, pakiramdam mo ba parang nag-iisa ka sa buhay na ito? Wala ka bang tiwala sa sarili at sa ibang tao? Baka takot kang mabuhay at gusto mo nalang tapusin ito. 

May mabuting balita ako sa iyo: hindi ka nag-iisa! Ang Panginoon na lumikha ng buong mundo ay nagsasabing “Kasama mo Ako… At tutulungan kita!” Tingnan natin ang nakasulat sa Isaias 41:10 (ASND)

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Narinig mo ba, Kaibigan? Kahit anuman ang pinagdadaanan mo ngayon, ang pangako Nya ay tutulungan ka Nya at hindi pababayaan kahit kailan man!

Kaibigan, wag kang bibitaw! Nandito kami para sa iyo at higit sa lahat, ang Ama natin sa langit ay makakasama mo at tutulong sa iyo.

Kaibigan, OK lang ba magdasal tayo?Pwede mo itong dasalin kasabay ko, “Panginoon, takot ako sa ____________(sabihin ang kinatatakutan mo). Kailangan ko ang tulong Mo sa dinadala kong ito.  Pakiusap, tulungan mo ako na makita na kasama kita at tutulungan ako. Sa ngalan ni Jesus. Amen.” 

Huwag kalilimutan Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.