• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 9, 2024

Ano ba ang iyong wika ng pag-ibig? 💗

Publication date Dis 9, 2024

Pamilyar ka ba sa mga wika ng pag-ibig? Sa aklat ni Gary Chapman, ipinakita niyang ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang gustong paraan ng pagpapahayag ng pag-ibig, na syang paraan kung saan tayo nakakaramdam ng pagmamahal. 

May mga taong nakakaramdam ng pagmamahal sa pamamagitan ng mga gawaing serbisyo, gaya ng kapag may nagsisilbi sa atin; sa pamamagitan ng pisikal na ugnayan tulad ng kapag may yumayakap sa atin o humahawak sa ating mga kamay; sa pamamagitan ng mga salitang nagpapatibay sa atin, na kailangan nating marinig ang pagtanggap ng taong mahal natin; mga regalo, na nakakaramdam tayo ng pagmamahal kapag mayroon tayong natatanggap; at mahalagang oras, na kailangan nating gumugol ng oras sa mga mahal natin sa buhay.

Bakit natin ibinabahagi ito? Naniniwala ka ba na lahat tayo ay may pagnanais na maramdaman na may nagmamahal sa atin? Kung makukuha natin ito sa mga mahal natin o hindi, nandyan pa rin ang kagustuhan. Nakakalungkot kung hindi natin makuha ang gusto nating pag-ibig. At sa totoo lang, kahit gaano pa tayo kamahal ng isang tao, may mga sandali talagang masasaktan at mabibigo tayo, dahil syempre, hindi perpekto ang tao. 

Pero may magandang balita, Kaibigan. Alam mo bang isa sa mga pinakamahalagang katangian ng Diyos ay, ang Diyos ay pag-ibig?Nakasulat sa 1 John 4:8

Ang hindi umibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Kaibigan, may lpangungulila ka ba sa pagmamahal na hindi naibibigay ng tao? Ang Diyos lang ang perpekto, na hindi maaaring magkasala. Maniniwala ka bang baka ang hinahanap-hanap nating pag-ibig na walang katapusan at walang pagbabago ay maaari lamang nating makita sa Kanya? 

Kaibigan, ito ang hamon ko sa iyo. Basahin natin ng malakas ang bersikulo na ito tuwing umaga bilang mga salita ng Panginoon para sa iyo: 

Noong una, ang PANGINOON ay nagpakita sa mga Israelita at nagsabi, “Inibig ko kayo ng walang hanggang pag-ibig. Sa kagandahang-loob ko, pinalapit ko kayo sa akin. (Jeremias 31:3 ASND)  

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.