• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Peb 9, 2025

Ano ba ang paningin mo sa mahina?😓

Publication date Peb 9, 2025

Kaibigan, ano ba ang karanasan mo sa mga laging nasa ilalim, o mga mahina sa grupo? Ikaw ba ay nakaranas ng pang-aapi dahil sa isang kahinaan mo? O may nakikita ka bang inaapi na mahina sa anumang grupo, tulad sa klase, o sa trabaho? Malungkot isipin na may mga taong nang-aaway ng mas mahina sa kanila. 

Ang mabuting balita, Kaibigan, mahalaga sa Panginoon ang mga mahina.

Ang Dios na tumatahan sa kanyang banal na templo ang nangangalaga sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda. (Salmo 68:5 ASND

Maiisip mo ba ang puso ng Panginoon na tumitibok para sa mga ulila at mga biyuda? Sa kultura ng Israel, sila ang pinakamahina, dahil wala nang mag-aalaga sa kanila. Sa panahon na iyon, hindi pa nagtatrabaho ang babae, kaya malaking bagay ito: wala nang tatay o asawa na magbibigay ng kanilang mga pangangailangan.

Gusto rin ng Panginoon na mahalin natin ang mga mahina sa paligid natin. Ito ang isa sa mga bersikulo sa Bibliya na nagbibigay inspirasyon sa aming mag-asawa na mag-alaga at ampon. Isa sa mga halimbawa ng mahina ang mga ulilang bata, pero hindi ibig sabihin na dapat mag- alaga at mag-ampon din ang lahat; maaari nating gawin ito sa marami pang ibang paraan. 

Kaibigan, sa buhay mo ngayon, sinu-sino ang mga makikita mo ngayon na mahina sa mata ng tao at maaari mong bigyan ng pagmamahal? Baka may kaklase kang hindi pinapansin ng iba, o may katrabaho ka na laging hindi nauunawaan ng mga kasama. Ipagdasal mo ngayon kung ano ang isang bagay na pwede mong gawin para makapagbigay ng ngiti sa mga taong ito.

Kaibigan, hindi maliit ang isang bagay na ganun. Isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.