• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 14, 2024

Ano ba ang paboritong regalo🎁 na natanggap mo?

Publication date Dis 14, 2024

Kaibigan, malapit na ang Pasko! Ano ba ang paboritong regalo na natanggap mo? Laruan ba noong bata ka? Kagamitan tulad ng cellphone? Mga aklat? Damit o sapatos?  

Ako, mahilig ako sa mga gawang-bahay na regalo. Simula bata ako, mas pinipili kong sumulat ng tula, gumawa ng kwento, o lumikha ng kung anu-anong gamit ang mga kamay ko, kesa bumili ng regalo sa tindahan. Kaya ang isa sa mga paboritong regalo na natanggap ko ay isang kunehong stuffed toy na ginantsilyo para sa akin—at ibinigay pa ng walang okasyon! Nakakaantig di ba? 

Nabanggit namin ang tungkol sa regalo dahil isa sa mga katangian ng Diyos ay ang pagiging mapagbigay. Ang kahulugan daw ng “grasya” ay ang pagbibigay ng isang bagay na hindi karapat-dapat sa atin. Ganyan ang mga regalo, ibinibigay ito nang libre at hindi bilang bayad sa trabaho. Kapag binabayaran ang isang bagay, hindi na ito regalo. At iba rin ang gantimpala, dahil ito ay ibinibigay sa isang tao na karapat-dapat para dito. 

Kaibigan,naiisip mo ba na ganyan ang Diyos? Mahilig Syang magbigay ng regalo kahit na hindi tayo karapat-dapat dito. Ngayon, Kaibigan, makakaisip ka ba ng kahit tatlong bagay na ibinigay ng Panginoon sa iyo ng libre? Isulat mo kaya ito sa journal o sa cellphone mo. 

Pagkatapos, tingnan din natin itong nakasulat sa Bibliya: 

"Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang maipagmamalaki ang sinuman. (Efeso2:8-9)” 

Pati pala ang relasyon natin sa Diyos, ibinibigay Nya bilang regalo; hindi ito nakabatay sa pagganap natin, kundi “ sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya.” Dahil sa ginawa ni Jesus sa krus, pwede tayong lumapit sa Kanya, na alam nating napatawad tayo. Nakakatuwang isipin ano? 

Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.