• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 2, 2024

Ano ba ang paboritong fairy tale mo?👸

Publication date Dis 2, 2024

May paboritong kwento o kwentong engkantada ka ba noong bata ka pa? Ano ito? Sinong karakter ang pinakahindi mo makakalimutan?

Para sa akin (Yen), ang paborito kong kwento ay Mulan. May pagkakapareho ang karanasan namin ni Mulan na hindi niya pwedeng ilabas ang totoo niyang personalidad dahil may ibang inaasahan ang Intsik na pamilya niya. Si Mark naman, paborito niya ang Chronicles of Narnia. Oo, napanood namin ang pelikula, pero hindi nya makalimutan ang kanyang karanasan noong una niyang nabasa ang libro nito—noong matanda na siya at may mga anak na kami! 

Bakit namin naitanong ito? Alam mo bang makapangyarihan pala ang epekto ng mga kwento sa atin? Higit sa mga mungkahi, payo, at mga artikulong nagbibigay-kaalaman, mas nanatili pala sa ating mga isip at puso ang mga istorya na ating nababasa, napapanood, o naririnig. Sa katunayan, naaalala ko pa hanggang ngayon ang mga kuwento ng kasambahay namin tungkol sa mga pakikipagsapalaran nila sa bukid—minsan, iniisip ko baka dahil doon kaya mas gusto kong manirahan sa bukid ngayon.

Sabi ng mga guro ng Bibliya, ito ang dahilan kung bakit kilala si Jesus sa pagkukuwento ng mga talinhaga. Ang mga talinhaga ay, sa simpleng tawag, mga maiikling kwento na nagpapakita ng katotohanan.

Halimbawa, isa sa mga kilalang talinhaga Niya ang tungkol sa magsasaka. Pinakita Niya dito na ang Salita ng Diyos ay tulad daw ng magsasaka na nagtatanim ng buto; may mga oras na magiging maganda ang binhi, mayroon ding hindi, depende kung saan ito napunta: sa matinik na lupa ba na nasasakal ang mga binhi, o sa magandang lupa kung saan pwede itong lumago at mamunga? (Matthew 13:18-23 ASND

(Panoorin ito sa The Chosen, S3 - E8: Pagpapanatili mula 24:52 - 26:26)

Kaibigan, ikaw ba, anong klaseng lupa ba ang gusto mo sa puso mo? Tandaan mo, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.