• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 29, 2024

Ano ba ang mga pinagdarasal 🙏🙏🙏 mo?

Publication date Nob 29, 2024

May karanasan ka bang nagdasal para sa isang bagay, at nakuha mo ito? Anong mga bagay ba ang pinagdarasal mo? Lahat ba ikinukuwento mo sa Panginoon? O ang mga mabibigat lang na problema? 

Noong bata ako, ang tingin ko sa Diyos ay parang si Santa Claus, na pwede kang humingi ng kahit anong gusto mo. Magandang pakinggan, di ba? Pero, parang kay Santa Claus din, na kailangang mabuti kang bata para ibigay Nya ito. Parang genie din ata, kasi tinuturuan kaming magdasal para sa lahat ng kailangan. 

May kalamangan at kahinaan ang ganitong kaisipan.  Kahinaan ito, kasi nagagawa Syang parang vendo machine; sa totoo lang, mas gusto Nyang magkaroon ng malapit na relasyon sa atin. Sa kabilang banda, pwedeng kalamangan ito, kasi natuturuan tayong pumunta sa Kanya kahit ano ang kailangan natin. Minsan kasi, kapag matanda na tayo, sa isip natin ayaw natin Siyang istorbohin sa mga maliliit na bagay. May ganung pakiramdam ka din ba? 

Pero alam mo ba, Kaibigan, walang maliit na bagay kay Jesus. Oo, gusto Niyang kausapin natin Sya bilang kaibigan. Pero hindi ibig sabihi nito na pwede lang natin Siyang lapitan kapag nalulunod na tayo sa problema. Kahit mga simpleng pangangailangan natin, pwede pala nating dalhin sa Kanya. 

Ito ang nagustuhan ko sa isang eksena sa The Chosen, S3 - E8: Pagpapanatili, mula 8:23 - 10:58. May isang taong lumapit kay Jesus dahil may impeksyon ang paa nya. Minsan maiisip natin na may partikular na mga himala lang na gustong gawin ang Panginoon. Pero kahit ano pala ang kailangan natin, pwede nating ilapit sa Kanya. 

Kaibigan, may kailangan ka ba ngayon na hindi mo pa nadadala sa Kanya? Ngayong araw, pwede mo itong dasalin, “Lord, kailangan ko ng __________. Pwede Nyo ba akong tulungan?” Kapag nadasal mo ito, maniwala ka na narinig ka Nya. 

Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.