Ano ba ang isang kalakasan mo?🏋️

Pag-usapan natin ang ating mga kalakasan. Ano ba ang masasabi mo na isang lakas mo? Magaling ka bang kumanta o gumuhit? Mag-organisa ng mga kaganapan o iskedyul? Mahilig ka bang makinig sa mga kaibigan at magbigay ng payo? Kumusta ka sa pagsagot sa mga mabilisang pangangailangan, o ang magtrabaho sa ilalim ng presyon?
Iba-iba ang mga lakas at kahinaan natin. Minsan, nakikita ang mga lakas natin sa paraan kung paano tayo gumagawa ng mga takdang-aralin natin o ng mga trabaho natin. Sa ibang pagkakataon, mas madali makita ang mga kahinaan natin at pwede tayong mawalan ng pag-asa na para bang wala tayong kakayahan.
Isa ito sa mga bagay na huli na nating natutuhan: importante palang alam natin ang ating mga kalakasan at kahinaan; ito ay parehong parte ng pagkilala natin sa ating mga sarili, at magagamit natin ito na maabot ang ating buong potensyal, maging sa pakikipagkapwa- tao natin, Halimbawa para sa akin (Yen), alam ko na lakas ko ang mag-isip at magsulat, pero sensitibo pala ako sa ingay at liwanag, mas gumagana ang isip ko sa kapaligirang tahimik at may likas na liwanag lang. At mas may kakayahan akong makinig sa iba sa ganitong kapaligiran.
Ganyan talaga sapagkat tayo’y tao lamang, may lakas at kahinaan.
Pero ang Diyos? May magandang balita kami sa iyo, Kaibigan. Ang Diyos naman ay talagang makapangyarihan. Nakasulat sa Salmo:
Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas, taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat. (Mga Awit 147:5 RTPV05)
Ano ba ang nakikita mong mga katangian ng Panginoon sa bersikulo na ito? May nakikita kaming hindi bababa sa tatlo: Sya ay dakila; Sya ay malakas; at ang kanyang karunungan ay hinding-hindi masusukat.
Kaibigan, kailangan mo ba ngayon ng isang tao na malakas at marunong? Ang Panginoon ay malakas at puno ng karunungan. Pwede kang lumapit sa kanya! Isang tawag mo lang at nandyan Siya para sa iyo.
Kaibigan, isa kang himala!

