• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 22, 2024

Ano ba ang inaasahan mo sa Panginoon?🤲

Publication date Dis 22, 2024

Kaibigan, mag-usap tayo: ano ba ang mga inaasahan mo sa Panginoon? Marunong ka bang umasa sa magagandang bagay galing sa Kanya, o nasanay ka bang ang tingin mo sa Kanya ay isang taong malayo na nagbabantay lang para bigyan ka ng kaparusahan? 

Kamakailan, may nakausap akong kaibigan na nalulungkot dahil may nagawa siyang kasalanan. Ang akala niya, kapag may kasalanan siya, ang buong linggo nya ay magiging puno na ng “parusa” ng Panginoon. Sa mga dating panahon daw na nagkasala siya, may mga nangyari nga, tulad ng nagkasakit siya, may nawala siyang gamit, o may nakaaway sa opisina. Tinulungan siya ng isa pa naming friend na tingnan ang paniniwalang ito ng mabuti. Sa huli, nakita niya na ang mga pangyayaring ito, tulad ng pagkakasakit, ay hindi batay sa pagganap niya, kundi nangyayari talaga, mayroon o wala man siyang nagawang mali. 

Sa mga panahon ng paghihintay, posibleng umaasa tayo ng mabuti sa Panginoon, o baka inaasahan natin na ang ibibigay Niya ay hindi makakabuti sa atin. 

Pero tingnan natin ang bersikulo na ito: 

Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya. (Mateo 7:11 ASND) 

Nakikita mo ba, Kaibigan?  Ang Panginoon pala ay nagbibigay ng mga magagandang regalo at mas ayos pa sa mga ama sa lupa natin.

Subukan natin ngayon na magsulat ng tatlong magagandang bagay na naibigay ng Diyos sa atin. Pwede mo itong isulat sa journal o gamitin ang iyong cellphone. Pagkatapos, magpasalamat tayo sa Panginoon para sa mga ito. 

At tamang-tama, habang may hinihintay tayo, alalahanin natin na binigyan Nya tayo ng pinakamagandang regalo noong unang Pasko, at yun ay ang Anak Niyang si Jesus. (Pag-usapan natin ito sa susunod na serye, Meaning ng Christmas)

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.