Ano ang tingin 馃憮 mo sa Panginoon?

Kaibigan, napansin mo na ba na naapektuhan ang pakiramdam mo tungkol sa isang tao batay sa kung ano sa tingin mo ang opinyon nila sa iyo? Halimbawa, kung iniisip mong gusto at nirerespeto ka ng guro mo, madali mo ring magustuhan at respetuhin siya. Pero kung pakiramdam mo na hindi ka niya gusto at hindi niya pinapahalagahan ang opinyon mo, malamang ay hindi mo siya gaanong gusto o nirerespeto.
Nakakalungkot, pero ganyan din ang nangyayari sa maraming anak ng Diyos. Kadalasan, ang pananaw nila sa Diyos ay alinman sa dalawa: iniisip nila na hindi siya nagbibigay ng pansin sa kanilang mga problema, o iniisip nila na ang mga iniisip Niya tungkol sa kanila ay puno ng galit, pagkadismaya, at parusa. Kaya, kapag sila ay nagkakamali, tumatakbo sila palayo sa Diyos kaysa lumapit sa Kanya.
Pero iba ang ipinapakita sa atin ng Bibliya tungkol sa Diyos. Ipinakita ni Jesus ang Diyos bilang isang mapagmahal na Ama na naghihintay araw at gabi para sa pagbabalik ng kanyang anak na nawawala. Ipinapakita Siyang isang Amang laging nag-iisip as atin.
Kaibigan, basahin mo ito ng malakas:
Nakita n始yo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na ako始y mabubuhay ay nakasulat na sa aklat n始yo bago pa man mangyari. O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip n始yo; ito始y tunay na napakarami.Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin. (Salmo 139:16-18, ASND)
Grabe, ang daming iniisip ng Diyos, hindi ba? Siguradong ang bawat isa sa mga iniisip Niya ay puno ng malalim at hindi matitinag na pag-ibig!
Wow. Ang Diyos na lumikha ng lahat, ay hindi ka lang iniisip—iniisip ka Niya palagi, at walang katapusang pagmamahal ang Kanyang iniisip para sa iyo.
Kaibigan, isa kang himala!

