• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 17, 2024

May nararamdaman ka bang pagkabigo?๐Ÿ˜ž

Publication date Dis 17, 2024

Kaibigan, kailan ka ba huling nabigo? Ano ang nangyari? Ano ba ang kadalasan mong ginagawa kapag nabigo ka? Nagagalit ka ba? Umaatras at nawawalan ng gana? Naninisi ng ibang tao? 

Iba-iba ang ating reaksyon sa pagkabigo. Isa ito sa mahirap hawakan na emosyon. Para sa amin, kapag kami ay bigo, pwede na kami ay magalit din. Dahil pareho kaming dalawa na matagumpay, mas mahirap ata sa aming makayanan kapag nabigo namin ang aming mga sarili. 

Sa Bibliya, si Pedro ay isa sa mga kaibigan ni Jesus na bumigo sa Kanya. Pero sa totoo, alam na ni Jesus na mabibigo si Pedro, sinabi pa nga Nya ito kay Pedro bago pa ito mangyari. Tingnan natin ito: 

Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Kahit iwanan kayo ng lahat, hinding-hindi ko po kayo iiwan.” Sinagot siya ni Jesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.” (Mateo 26:33-34 ASND)

Ano ba ang nangyari? Naganap nga ang sinabi ni Jesus. Nang hulihin Sya ng mga sundalo sa gabing iyon, at may nagtanong kay Pedro kung kilala niya si Jesus, masigasig niyang sinabing hindi. 

Dahil alam ni Jesus na gagawin nya ito, nabigo kaya Siya? Pero si Peter mismo ay sobrang nabigo sa sarili, at sinabing “lumabas si Pedro at humagulgol. (Mateo 26:75 ASND)”

Paano natin haharapin ang mga ganitong pagkabigo? Sana, makahikayat sa iyo ang pangako ng Panginoon na ito: 

Mabuti ang PANGINOON sa mga nagtitiwalaสผt umaasa sa kanya. Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng PANGINOON. (Panaghoy 3:25-26 ASND). 

Kaibigan, kapag may kabiguan ka, sanayin mo ito: ang umasa sa kabutihan ni Lord. Maaari mong ipagdasal: Panginoon, bigo ako, pero gusto kong umasa at magtiwala sa Iyo. Pakiusap, tulungan mo ako. Amen. 

Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.