Ano ang gusto mong gawin sa buhay mo?👨⚕️

Kung hindi isyu ang pera, ano ba ang gusto mong gawin sa buhay mo? Ang kasalukuyang trabaho mo ba ang nakikita mong pinakagusto mong gawin? Maraming pagkakataon, marami sa atin ang naipit lang sa isang bagay dahil pakiramdam natin wala na tayong ibang pagpipilian pa.
Pero sa totoo lang, hindi pala ang propesyon o pera ang ang tumutukoy sa halaga natin. Kahit sa Bibliya, hindi si Jesus pumili ng isang hanapbuhay lang para maging alagad Niya. Iba-iba din ang kanilang mga trabaho. May mangingisda, may kolektor ng buwis, may kung anu-ano pa.
Pero nakakatuwang tingnan na kahit ano ang kanilang nakaraan, tinanggap pa din sila ni Jesus bilang mga kasama. Nakikita mo ba, Kaibigan? Kahit ano pala ang ating katayuan sa buhay, pwede tayong sumama kay Jesus!
At higit pa dito, sa Matthew 10:1, makikita nating binigyan Niya rin sila ng kapangyarihan laban sa mga sakit at mga demonyo! Kaya, hindi lang si Jesus ang nakakagawa ng himala; pati mga alagad Nya, binigyan Niya din ng ganitong awtoridad!
(Panoorin ito sa The Chosen S3 - E2: Dalawa sa Dalawa, mula 37:40 - 39:08)
Kaibigan, ikaw ba, nagtatanong ka din ba kung magagamit ka ni Jesus? Kung titingnan natin itong talata sa Bibliya, nahihikayat ako, dahil alam kong ang mga kasamahan Niya’y mga taong tulad din nating may mga kahinaan. Kaya, pwede Niyang gamitin ang mga katulad natin!
Ito ang pagsubok ko sa iyo ngayon, Kaibigan. Naranasan mo na bang ialay ang buhay mo kay Jesus? Baka gusto mong ipagdasal ito kasama ako, “Jesus, salamat na mahal mo ako at binigay Mo ang buhay Mo para sa akin. Gusto kong mabuhay para sa Iyo. Turuan mo ako.”
Tandaan mo ito, Kaibigan, isa kang himala!

