• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UR Urdu
Publication date Peb 12, 2025

Ang salita ay nakakasakit: ❤️‍🩹 naranasan mo ba?

Publication date Peb 12, 2025

Kaibigan, may maalala ka bang pagkakataon kung saan nasaktan ka sa sinabi ng ibang tao? Kahit na sabihin nating hindi iyon sinadyang makasakit sa iyo,maaari pa din tayong masaktan nito. At hindi ito madaling tahakin o tuklasin dahil karamihan sa atin, hindi tayo ganap na may kamalayan sa mga binibitiwan nating salita, lalo na sa mga oras na apektado tayo ng ating emosyon.  

Ikaw ba, Kaibigan, intensyonal ka ba sa pagsasalita? Alam mo ba kapag may nasabi kang nakakasakit sa iba, o kapag may nasabi kang nagbibigay-buhay? 

Sa pamilya namin, hindi din kami laging perpekto sa aming mga salitang binibitawan.. May mga oras na kapag nagalit o nasaktan kami, nakakapagsalita din kami ng mga masasakit sa isa’t-isa. Pagkatapos noon, kapag kalma na ulit kami, humihingi kami ng paumanhin o tawad sa aming mga masamang nasabi, dahil alam naming hindi iyon ang gusto ng Panginoon na lumabas sa aming mga bibig. 

Gusto naming magkaroon ng kasanayan na pinipili naming magsalita ng makakatulong sa ibang tao. Hindi ito madaling gawin, pero nahikayat kami ng bersikulong ito mula sa Bibliya:

Ang pabigla-biglang salita ay nakakasugat ng damdamin, ngunit ang magandang salita ay nagpapagaling. (Kawikaan 12:18 ASND

Kaibigan, gusto mo rin bang makasanayan ang bumigkas ng mabubuti at nakagagaling na mga salita? Maaari natin itong sanayin. Kumuha ng papel o notebook; isulat mo ang pangalan ng tatlong taong araw-araw mong nakikita. Pagkatapos, tanungin mo ang Panginoon kung ano ang isang bagay na pwede mong sabihin sa mga taong ito na pwedeng makahikayat sa kanila. Isulat ito, at maghanap ng pagkakataong masabi ito sa kanila, sa salita o personal, text o chat man. Mas madalas mo itong gawin, mas magiging kasanayan ito.  

Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.