• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ene 28, 2025

Ampon ka ba? 😓

Publication date Ene 28, 2025

Kaibigan, narinig mo na ba ang termino na “orphan mindset o kaisipan na parang ulila”? 

Hindi naman tayong lahat ay talagang ulila, pero alam mo bang natural pala sa mga taong lumaki na may “kaisipan na parang ulila"? Nangyayari ito kapag ang pakiramdam natin walang nagmamalasakit sa atin, walang nag-aalaga sa ating mga pangangailangan, proteksyon, o kinabukasan.

Sa totoo lang, isa ito sa mga epekto ng pagkahulog ng tao sa kasalanan—pero ito rin ang dahilan kung bakit namatay si Jesus sa Krus. Nais Niyang ibalik sa atin ang tunay na relasyon natin sa Diyos. Noong kunin ni Jesus ang ating lugar at naging kasalanan sa Krus, iniwan Siya ng Kanyang Ama, at kapalit noon, binigyan tayo ng karapatan na maging anak ng Diyos (tulad ng sinabi sa John 1:12). Ang Espiritu na inilagay Niya sa atin ay sumasang-ayon dito, kaya’t tinatawag tayo ng Espiritu na “Abba, Ama” (o sa mas modernong wika, Tatay o Papa).

Kaibigan, kung pakiramdam mo sa ngayon na parang walang tumutulong sa’yo, ito ang pakinggan mo: ang totoo, ang iyong Ama ay nandiyan, palaging nasa tabi mo. Alam Niya kung anong pinagdadaanan mo at nararamdaman Niya ang nararamdaman mo.

Bilang isang tatay, alam ko kung gaano kasakit na makita ang anak mong umiiyak, parang gusto mong gawin lahat para maalis ang sakit na yun! Eh, gaano pa kaya kalaki ang pagmamahal at malasakit ng ating Ama sa langit? 

Ang Ama natin sa langit ay hindi malayo tulad ng ibang ama dito sa lupa. Hindi Siya yung laging dismayado sa’yo. Sa halip, Siya ay laging masaya sa’yo. Laging handang makipag-usap at yakapin ka.

Kaya’t lumapit ka sa iyong tatay at pakinggan Mo Siya: “Nandito ako, anak, palagi kitang susuportahan. Mahal kita.”

Kaibigan, isa kang himala. 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.