• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Peb 10, 2025

Alin ang mas madali: magpahalaga o magreklamo?😳

Publication date Peb 10, 2025

Ngayong papalapit tayo sa Araw ng mga Puso, nasasabik kaming ibahagi sa iyo ang serye natin ngayong Linggo tungkol sa kapangyarihan ng salita. Sana makatulong ito sa iyo na magkaroon ng mas matibay na koneksyon sa mga taong importante sa iyo. 

Kaibigan, maging totoo tayo. Kapag tiningnan mo ang karaniwang porma ng iyong pagsasalita, alin ba mas madali sa iyo: magpahalaga o magreklamo? 

Para sa karamihan sa atin, mas madaling maghanap ng problema sa lahat ng bagay kumpara sa maghanap ng pwedeng pahalagahan. Mas lalo itong nangyayari sa mga pinakamalalapit na relasyon natin. Napansin mo ba, habang mas napapalapit tayo sa isang tao, lalo tayong nagiging komportable na sabihin ang ating mga hinaing? Actually, hindi naman mali magsabi ng nararamdaman natin; pero ang hamon siguro ay, kapag hindi tayo nagiging intensyonal maghanap ng mapapahalagahan, madali itong hindi makita at hindi na tuloy magawa. 

Sabi daw sa pagsasaliksik, sa buhay ng isang bata, ang isang pananaway ay nangangailangan ng 9 na kumpirmasyon para maibalik sa panatag ang aspetong emosyonal nito. Maiisip mo ba kung ang relasyon mo sa mga taong pinakamalalapit sa iyo ay puno ng mga negatibong salita at kulang sa positibo? Malamang magreresulta ito pagkaputol at mahihirapang lumago ang relasyon. 

Basahin natin itong nakasulat sa Bibliya: 

Ang salita ng tao ay makapagliligtas ng buhay o kaya ay makamamatay. Kaya mag-ingat sa pagsasalita sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito. (Kawikaan 18:21 ASND

Ngayong araw, Kaibigan, ito ang hamon namin sa iyo: isipin mo ang isang taong importante sa buhay mo, at mag-isip ng 3 bagay na pinapahalagahan mo sa kanya. Pagkatapos, sanayin mong sabihin ito ng berbal (sa personal, text o messenger) sa kanya. Sana, sa pamamagitan ng maliliit na aksyon na ito na magiging kasanayan na, makatulong ito sa pagpapatibay ng mga relasyon sa buhay mo. 

Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.