• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 20, 2024

Alam mo bang pwedeng magsaya sa piling ng Diyos sa kalikasan? ⛰️🌳

Publication date Nob 20, 2024

Isa ka ba sa napakarami ngayon na may pinagdadaanan sa kalusugang pangkaisipan? Batay sa pananaliksik, karamihan nito ay dala ng sobrang daming ginagawa, lalo na at 24/7 ang koneksyon ng mga gadgets natin sa internet.

Sa amin ni Mark, may mga panahon din na parang punung-puno na ang aming mga utak dahil sa walang-sawang pagdating ng mga mensahe. Nagiging mahirap tumutok sa trabaho! At sa dinami-daming nakikita sa Facebook ng mga kapamilya at kaibigan, naapektuhan na rin tayo sa kung anumang dinadala nila na nagiging sanhi upang sila ay mabahala. Paano pa kapag nasa ganoong sitwasyon na tayo, na kahit ang pagtahimik at pagdarasal ay napakahirap ding gawin.  

Pero may magandang balita! Kahit dati pa pala, may paraan din para pakalmahin ang isip natin. Isa dito ang magsaya sa likha ng Diyos. Sabi nga sa Bibliya, “Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.” (Mga Awit 19:1 TLAB)

Kaibigan, kelan ka ba huling nagsaya sa kalikasan? Alam mo ba, kahit sa simpleng pag-upo sa gitna ng isang hardin or parke, mapapahinga din ang mga kaluluwa natin sa presensya ng Panginoon? Sa pagtingin lang sa kalangitan, matitikman natin ang kaluwalhatian ng Panginoon.

Ganito siguro ang nangyari kay Haring David ano? Noong bata pa siya, tuwing ilalabas nya ang kanyang mga alagang tupa, ang haba ng oras nya sa labas. Malamang lagi siyang nakatingin sa kagandahan ng nilikha ng Panginoon. Kaya siguro marami siyang naisulat na mga tula at awit tungkol dito. 

Eto lang naman siguro ang gusto naming hikayatin sa iyo, Kaibigan. May mahanap ka kayang oras ngayong Linggo na makakapagsaya ka sa nilikha ng Panginoon? Puwedeng 10-minutong paglalakad sa parke, o di kaya a 15-minutong takdang-oras para gumuhit ng isang tanawin sa kalikasan.

O,siya. Sa susunod naman na email. Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.