Alam mo bang pinili ka Nya?

Naranasan mo bang tanggihan? Kahit anong sitwasyon ito nangyari, masakit siya: halimbawa, kapag tinanggihan tayo ng mga kaibigan, o kaya hindi napansin sa trabaho, o iniwan ng taong espesyal sa atin. Maraming nakakaranas nito ang nagkakaroon ng depresyon o hinanakit.
Ako, isang mahirap sa akin ang pagiging sensitibo sa pagtanggi. May mga oras sa pagsasama namin na may lakad si Mark at naiwan ako, nakaramdam ako ng pambabalewala. Buti naman napag-usapan namin ang mga ganitong sitwasyon. Pero naisip din namin na higit sa pagtanggap ng asawa, kailangan ko ding malaman na may mas malaking kwento dito.
Anong kwento, kamo? Itong mahalagang katotohanan na ang Panginoon, pinili Nya ako at gusto Nya ako. Tulad ng sabi nya kay Jeremiah, na tinawag nyang maging tagapagsalita Nya:
Jeremias, bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita para maging propeta sa mga bansa. (Jeremias 1:5 ASND)
Sa halimbawa ng buhay ni Jeremiah, makikita nating ito pala ang paraan ni Lord. Bago pa tayo isinilang, pinili na Nya tayo. Tayo'y pinili, kaya tayo'y minamahal.
Kaibigan, nakikita mo ba iyon? Kahit anong nangyayari sa buhay mo ngayon, alam mo ito, : pinili ka ni Lord, kaya siguradong mahal ka Nya.
Ito ang hamon namin sa iyo ngayon: sa paanong paraan ka ba nakakaramdam ng pambabalewala? Sa paaralan ba? Sa trabaho? Sa mga relasyon? Dalhin mo ang damdamin na ito sa Panginoon. Gusto Nyang makinig sa iyo. Pagkatapos, tanungin mo Sya kung ano ang tingin Nya sa iyo. Maniniwala ka bang pinili ka Nya at hindi Siya nagkamali?
Sige, Kaibigan, sa susunod ulit na email! Tandaan mo, isa kang himala!

