Alam mo bang may kasama ka?

May mga pagsubok ka bang pinagdadaanan ngayon na parang nag-iisa ka? Mahirap kapag ganun, di ba?
Noong isang taon, may mga pangyayari sa buhay-pamilya namin na hindi naging madaling ayusin. Ilang buwan din bago namin ito naproseso, at sa pagbabalik-tanaw, natutuwa kami sa paglago namin bilang mag-asawa. Pero habang pinagdadaanan namin ang mga panahong iyon, nahirapan kami sa pakiramdam na parang kami lang at walang nakakaintindi o makakatulong sa amin. Sa totoo, may mga mentors kaming tumulong naman, at lubos kaming nagpapasalamat sa tulong nila.
Pero bukod sa tulong ng aming mga kaibigan at mentor, isa sa pinakamalaking nakahikayat sa amin ay ang isipin na kasama pala namin ang Panginoon sa lahat ng iyon. Nakasulat sa Salmo 139:5:
Lagi ko kayong kasama, at kinakalinga nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan…
Ay may iba pa, sa Salmo 7-10 ASND:
Paano ba ako makakaiwas sa inyong Espiritu? Saan ba ako makakapunta na wala kayo? Kung pupunta ako sa langit, nandoon kayo; kung pupunta ako sa lugar ng mga patay, nandoon din kayo. At kung pumunta man ako sa silangan o tumira sa pinakamalayong lugar sa kanluran, kayo ay naroon din upang akoʼy inyong patnubayan at tulungan.
Kaibigan, ayos lang amining mayroon tayong mga pagsubok. At sana, maitaas ka din ng kaalaman na kahit ano pa ang pinagdadaanan natin, kasama natin ang Panginoon.
Sa mga oras na ito, hinahamon kita: maglaan tayo ng kahit dalawang minuto lang, ipikit ang mga mata and isipin na nakahawak ang Panginoon sa kamay mo, na sinasamahan ka Nya sa lahat ng pinagdadaanan mo. "Handa, kuha, simula!"
O, anong pakiramdam? Sana nakakatulong ito sa iyo. Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala!

