• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 12, 2024

Alam mo bang may gustong mag-alaga sa iyo?🤗

Publication date Nob 12, 2024

Nararamdaman mo rin ba minsan na parang kailangan mo maging malakas? Baka may malaking pagsubok ka sa buhay, o di kaya, sa araw-araw na pagsusumikap mo mismo ay kailangang panatilihing maayos ang sarili. Mas sanay kang walang inaasahan at lahat kailangan mong gawin. 

Totoo, maganda ang pakiramdam na kaya mo ang lahat. Pero kung magiging totoo tayo, hindi ba minsan nakakapagod ang pakiramdam na nakasalalay ang lahat sa iyo?

Ganito ang pakiramdam ng mga ulila. Maaaring maagang namatay o nawala ang mga magulang; kailangan ng mga batang ampon ang matutong mabuhay ng mag-isa. Sa kabilang banda, mabuti na natuto sila. Pero alam mo bang may gustong mag-alaga sa mga katulad nating ganito?

Isang beses, nagtanong ang mga disipulo ni Jesus na turuan sila paano ang magdasal.Ito ang Kanyang sagot: 

Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. Nawa'y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin…’ (Mateo 6:9-13 RTPV05

Marami daw ang nagulat sa sinabi ni Jesus na ganito, na tinawag nya ang Panginoon na “Ama.” Ano ba ang ginagawa ng Tatay natin? Sila ang nag-aalaga sa atin, di ba? 

Nakikita mo ba, Kaibigan? Gusto ng Panginoon na ituring natin Syang Ama. Hindi natin kailangang maging bahala sa lahat, dahil Sya ang Ama nating gustong alagaan tayo. 

Gawin natin ito, Kaibigan. Subukan nating kausapin ang Panginoon na parang Ama, dahil ganun pala Sya sa atin. At ang mabuting balita ay, isa siyang perpektong Ama, hindi katulad ng mga tatay natin dito sa lupa na may mga kahinaan.

Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.